Una sa Balita

Diaz, Marcial tatanggap din ng insentibo

0 356

Makakatanggap din ng kanilang insentibo sina 2016 Rio De Janeiro Olympian at 2018 Asian Games gold medallist Hidilyn Diaz at Asian International Boxing Association (AIBA) World Boxing Championships silver medalist Eumir Felix Marcial sa pagwawagi ng medalya at pagbibigay prestihiyo sa bansa sa internasyonal na torneo.

Si Diaz ay mabibiyayaan ng kabuuang P350,000 mula sa pagwawagi nito ng dalawang tanso sa Olympic Qualifying Tournament na 2019 IWF World Championships sa Pattaya, Thailand at pilak naman sa 2019 Asian Weightlifting Championships sa Nongbo, China sa pagsabak sa women’s 55kg category.

Tatanggap ito ng P100,000 para sa IWF World Championships at P250,000 sa Asian Weightlifting Championships.

Si Marcial, na dating World Youth Boxing Championships gold medalist, ay tatanggap ng P500,000 para sa kanyang pagsungkit ng pilak na medalya sa AIBA World Boxing Championships.

Asam ni Diaz ang kanyang ikaapat na sunod na pagtuntong sa Olimpiada bagaman kailangan pa nitong lumahok sa kailangan na huling tatlong malalaking torneo na sanctioned ng IWF kabilang ang ihohost ng bansa na 30th SEA Games kung saan kinilala ang weightlifting bilang isang Olympic Qualifying Tournament na silver category.

Tangka naman ni Marcial na sumabak sa serye ng mga Olympic Qualifying Tournament sa boxing sa pagnanais nitong maabot ang kanyang ultimong pangarap na makatuntong sa unang pagkakataon sa Olimpiada sa susunod na taon sa Tokyo, Japan. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy