Una sa Balita

Diaz mamumuno sa World Championships

0 261

Siyam na miyembro ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) ang magtatangka na agad makatuntong sa 2020 Olympics sa pagsabak nito sa isa sa anim na qualifying tournament na 2019 IWF World Weightlifting Championships sa Pattaya, Thailand Setyembre 18-27.

Sasabak ang mga lifter hindi lamang bilang parte sa pagpapalakas at paghahanda nito sa iho-host ng bansa na 2019 Southeast Asian Games kundi pati na rin para makatipon ng kailangang puntos upang mapataas ang kani-kanilang world rankings.

Pinamumunuan ni 2016 Rio Olympics silver at 2018 Asian Games gold medalist Hidilyn Diaz ang siyam-kataong delegasyon ng Pilipinas sa world weightlifting meet.

Hangad mismo ni Diaz ang mahirap na mapantayan na kasaysayan sa posibleng ikaapat na sunod nitong pagsabak sa kada apat na taong Summer Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan sa 2020.

Ang pambansang koponan ay binubuo ng tatlong lalaki at anim na babae.

Kabilang sa koponan si Elreen Ann Ando na sasabak sa women’s 64 kg., John Fabular Ceniza sa men’s 55 kg., Margaret Colonia sa women’s 59 kg., Nestor Colonia sa men’s 67 kg., at si DIAZ sa women’s 55 kg.

Ang pamangkin ni Hidilyn na si Mary Flor Diaz ay sasabak din sa women’s 45 kg., habang si Jeffrey Garcia ay bubuhat sa men’s 73 kg., kasunod sina Kristel Macrohon sa women’s 71 kg., at Ellen Rose Perez saWomen’s 49 kg. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy