Una sa Balita

Diaz lumakas ang tsansa sa Olympics

0 240

LUMAKI ang tsansa ni 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist­ Hidilyn Diaz na agad makapagkuwalipika sa susunod na taon na 2020 Tokyo Olympics matapos na hindi pa­salihin ng International Weightlifting Federation (IWF) ang mga matitindi nitong karibal mula sa Thailand na host sa World Champion­ships sa Pattaya.

Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella na magpapadala ito ng kabuuang 10 weightlifters na binubuo ng anim na babae at apat na lalaki upang magamit nang husto ang bihirang pagkakataon na makapagkuwalipika ang mga pambansang atleta para sa mas maraming pagkakataon na magwagi ng medalya.

“Gusto natin samantalahin ang bihirang pagkakataon na hindi makakasali ang mga world champion at malaki ang pagkaka­taon natin na makuha ang mga regional at continental slots para makasabak sa Olympics,” sabi nito.

Hindi naman pinayagan ang mga Thai weightlifter na sumali sa gaganapin na World Championships sa Set­yembre kahit na ang Thailand ang magho-host ng torneo base sa kautusan ng IWF.

(Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy