Una sa Balita

Diaz, Didal ginunita ang Semana Santa

0 193

IBA’T iba ang naging paggunita ng mga pambansang atleta sa Mahal na Araw.

Isa na rito ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver me­dalist at natatanging babaeng elite na atleta na nakapagwagi ng mailap na medalya sa weightlifting na si Hidilyn Diaz na mas nauna nang nagsakripisyo at nagpapakahirap bago pa ang Semana Santa sa pagsasanay sa China para sa inaasam nitong pagtuntong sa 2020 Tokyo Olympics.

“Hindi na po tayo iba sa sakripisyo sir,” sabi ni Diaz, na nagtungo sa China noon pang huling linggo ng Pebrero upang simulan ang matinding pagsasanay para sa sasalihan nitong sunod-sunod na torneo para makaipon ng kailangan na mga puntos para makatuntong sa ikaapat nitong sunod na Olimpics.

“Usually po, nanonood ng Bisita Iglesia at procession pero wala po ngayon kasi andito kami para magsanay para sa Olympic qualifying at sa asam ko na unang ginto sa SEA Games,” sabi ni Diaz.

Kadarating lamang naman ni Asian Games Skateboarding gold medalist Margielyn Didal Martes Santo kung saan ito sumabak sa isang torneo sa Taiwan at gunitain ang Semana Santa. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy