Una sa Balita

Diaz binira ang PSC, POC sa kakulangan ng suporta

ATLETA LANG!

By
0 1,006

SA isang Twitter post, naglabas ng sama ng loob si 2018 Asian Games gold medalist at weightlifter Hidilyn Diaz patungkol sa ilang matataas na opisyal ng Philippine sports sa umano’y pagturing sa kanya bilang isang atleta lamang.

“This is what I feel days before the Asian Games 2018,” ayon sa pambungad na tweet ng 27-anyos na lifter mula Zamboanga City.

Ayon sa kanya, kulang ang suportang ibinibigay sa kanila ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) pero mahal na mahal niya ang pagiging atleta.

“Atleta lang! ‘Yan parati nasa akin isipan. Pabalik-balik at ako’y sob­rang nasaktan. Ako’y isang atleta buong buhay ibinibigay sa sports na aking mahal na mahal,” sambit ni Diaz.

Dagdag nito, kahit atleta lamang siya ay nakatulong ito para siya ay makapag-aral, makapagtrabaho at maging kinatawan ng Pilipinas sa iba’t ibang internasyonal na kompetisyon.

“Ako’y isang atleta lamang pero eto nagpapa-define sino ako ngayon at proud ako ipresenta ang Pilipinas. Salamat sa Diyos ko at ginawa mo ako isang atleta ng Pilipinas.”

Nakatuon naman ngayon sa paparating na 202 Tokyo Olympics si Diaz at umaasang makakakuha ng sapat na suporta mula sa PSC at POC.

“Hopefully sa Tokyo 2020, maisama sila, kasi kailangan na kailangan ko sila. Sa lahat ng mga laro ko, kailangan na kailangan ko sila, lalo na ‘yung sports psychologist and strength and conditioning ko,” wika pa nito.