Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P22M regalo ni RSA kay Diaz, 3 pang boxer

0 188

NAKATAKDANG ibigay ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon S. Ang ang pangakong insentibo sa mga nakakuha ng medalya sa katatapos lamang na 2020 Tokyo Olympics sa pamumuno ng pinakaunang nagwagi ng gintong medalya na si weightlifter Hidilyn Diaz.

Kabuuang P22 milyon ang ipagkakaloob ng San Miguel big boss bilang personal gift o insentibo sa mga nagwaging atleta.

Unang inihayag ng Philippine Olympic Committee (POC) bago pa ang Summer Games ang pabuya ni Ang na P10 milyon sa gold medalist (Diaz), P5 milyon sa pilak (Carlo Paalam at Nesthy Petecio) at P2 milyon sa bronze (Eumir Marcial) .

“As a longtime partner and supporter of Philippine sports, I’m so happy for our athletes. All their hard work paid off. They’ve opened the eyes of so many Filipinos sports patrons, fans, and aspiring athletes that indeed, we Filipinos can compete and win against the best in the world in the Olympics. This is just the beginning. We have the momentum. We can only get stronger in the succeeding Olympics,” sabi ni Ang.

“I’m especially grateful to Hidilyn, whom we’ve supported for several years now, for giving honor to the country by winning our very first Olympic gold medal. We can build on these successes to develop stronger sports programs and produce more Olympic winners like Hidilyn, Carlo, Nesthy, and Eumir.”

Nagpasalamat din si Ang sa iba pang mga Olympian pati sa kanilang coaches at koponan.

“The message of this Olympic campaign for us Filipinos is clear. We are resilient in the face of challenges and we do not back down from adversity. This pandemic is perhaps one of the greatest challenges in our lifetime. Thank you Hidilyn, Carlo, Nesthy, and Eumir for giving us hope and inspiration during this critical time. You showed us that nothing is impossible,” pahayag pa ni Ang.

“Aside from following health protocols to stop the transmission of the virus and getting vaccinated, we should also do our best to make sure we are mentally and physically fit and healthy during this crisis. I believe that will help us a lot in coping with the stresses of this time.”

Bago pa ang pandemic, ang SMC ay patuloy na ang pagsuporta sa Philippine sports kabilang ang pagsasagawa ng 2019 Southeast Asian Games, kung saan kumulekta ang Pilipinas ng 149 ginto, 117 pilak at 121 tanso para sa ikalawang overall crown.

Noong 2005, ang SMC ay tumulong din sa Philippine team nang magwagi sa una nitong overall championship sa sa Southeast Asian Games sa nakuhang 112 ginto, 85 pilak at 93 tanso. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.