DIANA ZUBIRI, SUMISEKSI SA PAGPAPADEDE!

By

Kahit dalawa na ang anak, mukhang da­la­ga pa rin si Diana Zubiri. Mas sexy pa nga siyang tingnan ngayon kesa noong panahon na sexy star siya sa bakuran ng Seiko Films.

Masipag mag-workout si Diana dahil na rin sa mister niyang si Andrew Smith na winner ng Mossimo Bikini Summit noong 2007 at isang commercial model.

“Lagi kaming nagwu-workout ng sabay. Especially after a few months na ipinanganak ko ang baby girl naming si Aliyah Rose.

“Malaki rin ang nagawa ng pagpapa-breastfeed ko to lose weight. Hanggang ngayon naman nagpapa-breastfeed pa rin ako.

“Aliyah will turn one-year old sa August 14. Ang bilis ng panahon, ‘di ba? Kelan lang buntis ako, ngayon mag-birthday party na si Aliyah,” ngiti pa ni Diana.

Ang panganay ni Diana na si Achilles ay 8 years old na at nag-aaral sa Ateneo de Manila. Honor student ito kaya proud mama si Diana.

“Sobrang naa-appreciate ko na ang maging isang mother. Noon kasi, parang hindi ako maka-relate sa mga friends kong may mga anak na.

“Ngayon, kapag nalaman kong mataas ang grades na inuuwi ng anak ko, naiiyak ako sa tuwa. Parang lahat ng hirap na binigay mo sa anak mo ay worth it sa bandang huli.”

Wala nga raw yaya si Diana at hands-on sila ng mister niya sa pag-alaga sa mga bata.


“May kasambahay kami na tumutulong sa bahay. Pero sa pagtingin kina Achilles at Aliyah, kami ni Andrew.

“Gusto rin kasi niyang ma-experience ‘yung mag-alaga ng baby. Ako naman kasi, na-experience ko na ‘yan with Achilles kaya madali na for me.

“Masaya na involved kaming dalawa sa pag-alaga sa mga bata. Nagiging bonding time din namin iyon as a family,” sey pa ni Diana.

Dahil natapos na ang Encantadia, mas maraming time na ngayon si Diana para sa kanyang pamilya. Pero tuluy-tuloy pa rin ang mga guestings niya. Kelan lang ay nag-taping siya for Dear Uge.

“Okey lang na wala muna akong regular show kasi bukod sa mga bata, inaasikaso ko rin ang online business namin.

“We specialize in sports and athletic wear. Lalo na sa mga mothers na mahilig mag-workout.

“Nag-branch out na rin kami sa ibang clothes for mothers. Meron kaming new items para sa mga nagpapa-breastfeed na mothers.

“Makikita nila ‘yung mga items namin via my Instagram na loving_diana@instagram and via Facebook na lovingdianaz,” pagtapos pa ni Diana Zubiri.

SHARE