Una sa Balita

Diana hindi bagay na nanay ni Janine

By
0 721

abante-i-know-better-jun-nardoAng schedule ang unang naging problema sa digital movie na “Mystified” kung saan nagsilbi itong reunion ng original cast ng Kapuso telefantasya na “Encantadia.” Bida rito sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri.

Pero ayon kay Diana nang makausap ng press sa mediacon ng latest Kapuso series niyang “Dragon Lady,” tapos na ito at mapapanood sa iFlix ngayong Marso.

“Kami sana ang magpu-produce eh may lumapit sa aming taga-iFlix at interesado raw sila. ‘Yun ginawa kasi namang Encantadia eh number one sa iFlix.

“Sila ang nag-produce. Gusto nila mas malapit sa Encantadia. Dahil sila ang producer, okay lang. Ginawa namin. Actually, ‘yung team ng Mystified, sila ‘yung nasa Encantadia way back 2005,” sabi ni Diana.

Nagkaroon ba sila ng problema habang ginagawa ‘yung project?

“Hindi naman. Kasi sa 14 years na magkakahiwalay kami, may communication pa rin kami. Parang nandoon pa rin ‘yung samahan namin,” tugon ng aktres.

Sa “Dragon Lady,” lalabas siyang ina ni Janine Gutierrez. Hindi ba siya nag-alangan na tanggapin ang role eh, bata pa siya?

“Okey na rin ‘yon. Maganda kasi ‘yung role at saka nanay na rin naman ako,” rason ni Diana.

 

Alden gaya-gaya kay Maine

Kumpirmado ang pag-eksena ni Alden Richards sa sitcom na “Daddy’s Gurl.” Matapos ang kulitan at tawanan sa Kapuso ArtisTambayan last Thursday, inilabas sa “24 Oras” nu’ng Huwebes.

Pero wala pang telecast date ang episode niya. Lalabas siya bilang si Aldrich na dating classmate ni Maine nu’ng high school.

Pinagbigyan nila ang hiling ng fans nilang ma-guest ang Pambansang Bae sa sitcom.

“First episode pa lang yata ay nag-request na sila. So heto na yon para sa kanila!” pahayag ni Meng.
Batanggenyo rin ang punto ni Alden tulad ni Maine pati ng father niyang si Vic Sotto.
So AlDub Nation, wish granted!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy