Una sa Balita

Diamond Hotel nasunog

0 393

Inilikas ang mga guest matapos na masunog ang isang bahagi ng Diamond Hotel, kahapon nang umaga sa may Roxas Boulevard, Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-9:33 nang umaga nang magsimula ang sunog sa basement ng hotel.

Naapula naman ang sunog ganap na alas-9:57 nang umaga at walang idineklarang alarma.

Patuloy na inaalam ng BFP ang pinagsimulan ng apoy.

Wala naman iniulat na nasawi o nasaktan sa naganap na sunog at nasa maayos na kalagayan naman ang lahat ng guest sa nabanggit na hotel.­(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy