Una sa Balita

‘Di tuloy sa March 14: Sarah-Matteo sa Mayo na ang kasal

0 945

Alam mo, Dondon, kahapon, may isang ta­lent manager ako na katsikahan. Kilalang malapit sa mga tao sa Viva ang talent manager na tinutukoy ko.
Napag-usapan namin ang tsikang malapit na ang kasalang Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli.

Sabi ko, “Hindi naman daw totoo ‘yung lumabas na March 14 ang kasal nila sa Italy, eh. Feeling ko, April ang kasal nila dahil ‘yung isang close sa kanila, sabi sa akin pupunta siya ng Italy nga­yong April. Baka kaya siya pupunta roon dahil sa April na ang kasal nina Sarah at Matteo?”

Sabi naman nito, “Friend, sabi sa akin ng mga kausap ko sa Viva, May raw. Inaayos na nga raw ang papers ni Sarah.”

So, May naman daw?!

Well, kahit kailan pa ‘yan, ang sure, this year ang kasalang Sarah-Matteo, huh!

***

Isa si Sharon Stone sa mga celebrity na um-attend sa Oscars after-party ng legendary singer na si Elton John. Long-time friends sina Sharon at Elton.

Si Raymond Gu­tierrez na invited sa after-party na ‘yon ang nagkuwento na isa sa mga nakita niyang mga celebrity roon si Sharon.

Super sing din daw si Elton sa nasabing after-party ng kanyang foundation.
Kuwento pa ni Raymond, ang karamihan sa winner and nominees, sa Vanity Fair Oscars after-party nagsipuntahan.

“But I had a great time,” sey ni Raymond na ang buong kuwento ay mapapanood ngayon 2:00PM sa Anything Goes online show ko sa Abante News Online page sa Facebook.

Aktres natsugi sa pelikula dahil sa stylist, makeup artist

Nganga pa rin ang isang aktres na sumikat noong araw. Wala pa rin siyang project hanggang nga­yon.

May isang project sana na remake ng isang pelikula na nakasama rin siya noong araw ang nawala kay aktres dahil hindi nagustuhan ng supervising producer na kailangan ang production ang magbayad ng makeup artists at wardrobe stylist ni aktres.

Sa dami ng mga artistang walang work ngayon, mahirap din kasing mag-demand ng mga ganoon, kaya natsugi si aktres sa project.

Sayang at kailangang-kailangan pa naman ni aktres ng pera ngayon dahil single working mom pa naman siya.

Tsk… tsk… tsk… How sad!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More