‘DI TAKOT SA IMPEACHMENT

By ,

Hindi nababahala at lalong hindi takot si Vice President Leni Rob­redo sa banta ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na sasampahan siya ng impeachment complaint ­matapos pagdudahan na ­bahagi sa impeachment complaint ni Magdalo party­list Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rod­rigo Duterte.

Ito ang siniguro ng tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez habang muling pinabulaanan ni Alejano na may kinalaman ang Bise Presidente sa isinampa nitong kaso laban kay Duterte.

“Alam niyo po para kay VP Leni, hangga’t alam po n’ya, nakakasi­guro po kami na siya ay nasa panig ng katotoha­nan ay hindi naman po siya nababahala at natatakot sa anumang threat o pananakot na ibinabato sa kanya,” ani Hernadez.

Hindi umano ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng ­banta si Robredo sa puwesto dahil bagama’t siya ang ibonoto ng taumbayan noong nakaraang eleksyon ay pilit na ina­agaw sa kanya ang kanyang posisyon.

Si Robredo ay sinampahan ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng election protest dahil sa paniniwala ng dating senador na nagkaroon ng dayaan noong nakaraang eleksyon.

“Hindi po threaten dahil nakakasiguro kami na nasa panig kami ng katotohanan. Wala pa namang pina-file na (impeachment case) at, tulad ng sinabi namin na hindi nakakabahala,” ayon pa kay Hernandez.

Ang nais lang umanong malaman ni Robredo kung ano talaga ang pinanggagalingan ni Alvarez at bakit siya ang pinagbibintangan na nasa likod ng impeachment case laban kay Duterte.

Si VP Leni ang dini-destab!

Kung may winawakwak o dini-destabilize ay hindi si Pangulong Rodrigo Duterte kundi si Vice President Leni Robredo dahil araw-araw ay pala­kas nang palakas ang mga pag-atakeng ginagawa sa kanya at parami nang parami ang mga humahadlang sa kanyang daan.

“Mas ramdam na ramdam ni VP Leni yan (destabilization) kumpara sa ating Pangulo,” ani Hernandez dahil nagpapatuloy umano ang paninira kay Robredo at pa­lakas nang palakas ito, sabi pa ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo.


Ayon kay Hernandez, mismong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinanggagali­ngan ng intelligence ­report ang nagsabi na walang destabilisasyon laban kay Duterte.

Mula nang maupo si Robredo bilang panga­lawang pangulo ay hindi na ito tinantanan ng paninira sa social media kung saan maging ang kanyang mga anak ay binabantaan na rin na sila ay rereypin.

Posibleng umakyat sa Senado

Inamin ni ­Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na malaki ang tsansa na umakyat sa Senado ang ihahaing impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

“Pagdating po diyan sa possible impeachment kay Vice President Rob­redo mabuti pa kaming mga senador na ‘no comment’ muna,” wika ni Pimentel.

“Kasi from my political assessment may chance kasi talaga na lumusot iyan (sa Kamara),” diin pa niya dahil sa higit sa 230 kongresista ang sumusuporta kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ginawa ng ­Senate President ang ­pahayag matapos ­magbabala si Alvarez nitong Biyernes na pinag-aaralan na niya ang posibi­lidad na maghain ng impeachment complaint kay VP Robredo dahil sa “betra­yal of public trust”, dahil sa “palit-ulo” statement ni Robredo sa United Nations (UN) na umano’y “treasonous act”.

Walang alam

Mariing itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa pinaplanong paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice-President Leni Robredo.

“I never did anything, I will not do anything about it,” bungad ni Pangulong Duterte nang matanong sa isang press conference sa Davao City International Airport bago ito lumipad patungong Myanmar kahapon.

Nanindigan naman si Pangulong Duterte na wala siyang kinakausap na senador, kongresista, miyembro ng gabinete at iba pang opi­syal ng gobyerno para trabahuin ang paghahanda ng reklamo laban kay ­Robredo.

SHARE