Una sa Balita

‘Di rehistradong mga lambanog, kumpiskahin – FDA

0 292

Iniutos kahapon ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagpapakumpiska sa mga lambanog na hindi rehistrado sa ahensya kasunod ng magkakasunod na pagkasawi ng mga nakainom ng nasabing lokal na inu­ming nakalalasing.

Ayon sa ahensya, pinababantayan na rin nila sa kanilang mga field monitoring team kung mayroon pa ring ibinibentang lambanog sa merkado na hindi dumaan sa pagsusuri ng FDA.

Pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na anumang produkto na hindi dumaan sa kanilang pagsusuri ay delikado sa kalusugan at maaari pang humantong sa kamatayan tulad ng sinapit ng mga nakainom ng lambanog na hindi napasuri sa kanila.

Kasabay nito’y inalerto na ng FDA ang kanilang Regional Field Officers (RFO) at mga ahente ng Regulatory Enforcement Unit (REU) para matiyak na hindi na maibebenta sa publiko ang mga hindi rehistradong lambanog.

Sinabing bago ang naiulat na pagkasawi ng 13 tao sa magkakahiwalay na inuman ng lambanog sa Quezon City, Calamba at Santa Rosa, Laguna, may iniimbestigahan na rin umanong kaparehong kaso ang FDA na nangyari sa Lui­siana sa Laguna, Antipolo City at sa Pampanga.

Sa isinagawang pagsusuri ng FDA sa lambanog sample mula sa Calamba sa Laguna, gayundin sa Antipolo at Tarlac, nakitang mataas ang antas ng nakalalasong methanol sa alak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy