Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Di puwedeng pumalpak sa bakuna

0 272

Bukod sa buhay ng mga tao ang nakataya mga tropapips sa anumang COVID-19 vaccines na bibilhin ng gobyerno, sinabi ng kurimaw natin na takot sa karayom na taya rin pati pamato sa 2022 national elections ang magiging resulta ng turukan.

Kahit nasa kalagitnaan na tayo ng Enero, wala pa rin talagang malinaw na brand ng bakuna ang darating sa bansa maliban sa Sinovac vaccine ng China–na hindi lang bisa ang sinasabing mahina pati rin yata ang tiwala ng mga tao.

Sa lumabas na mga ulat, 25 million doses daw ng Sinovac ang nakopong gobyerno na unti-unting darating ngayong 2021. May pipirmahan din daw kasunduan ang Pilipinas sa AstraZeneca ng Britanya na 20 million doses. Bukod pa sa 30 million doses na Novavax ng Indian.

Iyon nga lang, habang wala pa ang mga bakuna, abangers pa rin ang mga Pinoy kung kailan talaga magsisimula ang turukan at sino-sino ang mga unang matuturukan. Maliban pa doon, hindi rin natin alam kung talaga bang mabisa ang mga bakuna at ano ang mga side-effect kung mayroon man.

Noong Nobyembre, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na 60 milyon hanggang 70 milyon ang mababakuhan sa loob ng tatlo hanggang limang taon kapag dumating na ang mga bakuna. Pero bigla itong nagbago at sinabing kaya raw mabakunahan ang 70 milyon Pinoy sa loob lang ng taong ito ng 2021.

Ano kayang dahilan at biglang nagbago ang kuwentada ni Sec. Galvez? Sabagay, kung kaya naman gawin sa loob ng isang taon, bakit patatagalin pa ng tatlo o limang taon?

SM food to go Banner Ad

Pero ang tanong, kaya ba talaga?
Ilang doses ba talaga ng bakuna ang kailangan para maturukan ang 70 milyon? Kung dalawang dosage ang bakuna na kailangan sa isang tao, aba’y “time 2” ng 70 million na tao eh 140 million dosages.
Pero sa ngayon kung paniniwalaan ang mga nakaraang pahayag tungkol sa mga naisarang kasunduan tulad ng 25 million doses ng Sinovac, 20 million doses ng AstraZeneca at 30 million doses na Novavax, aba’y 75 million dosages pa lang iyon.

Habang wala pang bakuna, may dagdag na katatakutan ang mga Pinoy dahil sa nakapasok na rin sa Pilipinas ang COVID variant na mula sa United Kingdom na naging “pasalubong” na dala ng isang Pinoy na galing sa Dubai.

Makikita natin ngayon mga tropapips ang husay ng “tracking” ng Quezon City at gobyerno sa paghanap sa mga pasaherong nakasabay sa eroplano ng Pinoy na galing sa Dubai at mga taong nakasalamuha niya nang umuwi sa bansa. Pero kaagad daw tumuloy sa hotel ang lalaki at sumailalim sa swab test bilang bahagi ng automatic quarantine ng mga Pinoy na galing sa abroad.

Pero kung totoo na madaling makahawa ang EU variant na virus, at may makalusot na nahawahan nito, aba’y good luck na naman sa atin.

Kaya nga mahalagang maging matagumpay ang gobyerno sa kanilang vaccination plan dahil kapag pumalpak–kung hindi nila makamit ang kanilang target na 70 milyon na mababakunahan; ampaw o mahina ang bisa ng gamot na makukuha; o may matinding side effect ang bakuna–tiyak na magiging isyu ito sa 2022 presidential elections at makakaapekto sa mga kandidato ng administrasyon.

Sabi ng kurimaw natin na takot sa bakuna, puwedeng walang choice ang mga Pinoy sa bakuna na ituturok sa kanila, pero puwede silang maging choosy sa mga kandidatong iboboto nila. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.