Una sa Balita

‘Di pa ligtas sa coronavirus: 23 nakapuslit sa Japan cruise ship

0 289

Humingi ng tawad ang Japanese health minister matapos payagang umalis sa Diamond Princess cruise ship ang 23 pasahero kahit hindi pa sila sumasailalim sa lahat ng mga pagsusuri.

“We deeply regret that our operational mistake caused the situation,” ani Health Minister Katsunobu Kato nitong Pebrero 22.

Nilinaw naman ng opisyal na tinest muli ang mga naturang pasahero.

Ito, matapos mapaulat na nagpositibo sa ­COVID-19 ang isang babae na kabilang sa nasa 970 pasaherong pinayagang umalis sa cruise ship ngayong linggo. 100 naman sa mga ito ang nakasalamuha umano ng babae at ika-quarantine nang dalawang linggo malapit sa Tokyo, Japan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More