Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Di nakatulog, nataranta: Coco kabado kay Montes

0 88

Kaloka ang reaksiyon ng mga fan sa balik tambalan nina Coco Martin at Julia Montes sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, ha!

Eh kasi naman itong si Coco, sa interview sa kanya, nagpaka-pabebe, na nagsabi nga na kinakabahan siya na magsasama silang muli ni Julia sa harap ng kamera.

Sobrang tagal na nga raw noong huli silang nag-tandem sa teleserye.

“Ako ’yung hindi nakatulog. Ako ’yung tensyonado kasi makakasama ko siya. Hindi ako puwedeng magkamali this time. Dito pa ba ko sasablay?

Ako ’yung natataranta. Ako ’yung ninenerbyos. Ewan ko bakit ko pinasok ’to?” sabi ni Coco.

Na para sa ibang fan, cute ang statement ni Coco. Pero, ang ibang fan, may banta agad kay Coco, ha!

Heto nga ang mga nakakabaliw na mensahe nila kay Coco:

Mariel Tumlos, “Okay lang ‘yan. Relax lang, Cardo. Anim na taon ka na ngang immortal, ngayon ka pa ba kakabahan? Parang ‘di ka na nasanay sa dami ng pinagdaanan mo, buhay ka pa rin.”

Rachel Bato, “Nag-regression, bumalik kasi sa pagka teenager si Cardo. puppy love sila ni Julia Montes.”

Ruffa Parungao – Parilla, “Haha baka kinakabahan kasi si Julia na ang tatapos sa kanya. Joke!”

Marynel Drio Romero, “Pag itong si Julia Montes namatay pa sayo Cardo! Ako na papatay sa character mo.”

Jezreel De Pedro, “Magtatapos na siguro to. Si Julia na ang leading lady eh. Alangan namang pati si Julia patayin pa rin nila sa palabas na’to? Hahahaha or pwede rin mamatay sila at tuluyan nang magkakasama sa dulo ng walang hanggan.”

Oh, di ba? Hahahaha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.