Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

`Di nagbibiro! Gasolina puwedeng disinfectant – Digong

0 354

Seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang payo sa publiko na gumamit ng gasolina o diesel bilang disinfectant.

Ipinahayag nito sa kanyang “Talk to the People on COVID-19” Huwebes ng gabi na inere Biyernes ng umaga, na hindi siya nagbibiro sa pagsasabing puwedeng disinfectant ang gasolina.

“Sabi nila, `Itong si Duterte loko-loko.” G***. Kung loko-loko ako, ikaw na sana ang na-Presidente, hindi ako. Totoo ‘yang sinabi ko, alcohol. ‘Pag walang alcohol available, hindi ka naman puwede lalo na kung mahirap. Magpunta ka lang diyan sa gasoline station, pagkatapos magpatulo ng — that’s disinfectant. Alcohol oh, gaas. Iyong ginagamit ‘yung gaas pang-ano, magpatulo ka lang kung — just to disinfect,” sabi ng Pangulo.

“Para sa inyo ang hindi nakakaintindi, sa totoo lang. Hindi ako nagbibiro. Totohanan iyon. Ang akala ninyo nagbibiro lang ako,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang dati nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagbibiro lamang ang Pangulo sa payo nitong i-disinfect ang face mask sa pamamagitan ng gasolina matapos punahin ito ng kanyang mga kritiko. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.