Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Di nagbayad ng bill sa kuryente, binutas ulo

0 285

INOOBSERBAHAN pa ang lagay ng isang lalaki nang pagsasaksakin ng magtiyuhin matapos magtalo dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng una ng utang sa kuryente sa Cavite City.

Ginagamot sa Cavite Medical Hospital ang biktimang si Michael Acqueen, nasa wastong edad dahil sa saksak sa likod at ulo.

Arestado naman ang magtiyo na sina Baltazar Pormelos, 68 at pamangkin nito na si Podencio Pormelos, 54, kapwa mga binata, pawang residente ng Pulo 2, Barangay 8, Cavite City.

Nagtungo si Podencio sa bahay ng biktima na kanilang kapitbahay dakong alas-11:15 Miyerkules ng gabi at kinompronta dahil umano sa hindi pagbabayad ng huli ng kanilang bill sa kuryente.

Dahil nakainom si Podencio ay nagtalo at nagsuntukan na ang dalawa. Nakita ito ni Baltazar kaya sinaklolohan ang pamangkin, kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak ang biktima. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.