Una sa Balita

‘Di nag-liquidate: PADC exec pinakulong sa Beijing trip

0 261

KULONG ng apat na buwan ang inabot ng isang opisyal ng Philippine Aerospace Deve­lopment Corporation (PADC) dahil sa hindi maayos na pag-liquidate sa P241,479 ginastos sa biyahe sa Beijing, China.

Sa 56-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Special Sixth Division nitong Hulyo 31, nahatulang guilty si Antonio Suba, dahil sa paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code o ang Failure of Accountable Officer to Render Accounts.

Ayon sa korte, noong 2006 kung saan Treasurer at Vice-President for Operations si Suba, kumuha ito ng cash advances sa halagang P241,479 para magamit sa biyahe sa Beijing para sa 4th Biennial International Aircraft Conversion and Maintenance Conference.

Kasama ni Suba noon ang President at Chief Executive Officer na si Roberto Navida.

Subalit pag-uwi nila sa bansa, hindi nag-li­quidate si Suba sa loob ng 60 araw, isang paglabag sa Commission on Audit (COA) Circular No. 96-004 at Executive Order 298. Dahil dito, kinasuhan sa Ombudsman sina Suba at Navidad.

Sa paglilitis, sinabi ni Suba na nagsumite siya ng mga resibo sa biyahe sa Beijing subalit inisnab ito ng korte dahil inabot ng walong taon bago nag-liquidate ang akusado. (Yves Briones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy