Una sa Balita

‘Di nabantayan ni Lola: Apo na nasabik sa tulya nalunod

By
0 338

Todas ang isang estudyante matapos malunod habang kumukuha ng tulya sa Panaga River sa bayan ng Laoac, Pangasinan noong Martes.

Nakilala ang biktima na si Alberti Paras Jr., isang Grade 5 pupil at residente ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Laoac Police Station, ang biktima kasama ay kanyang 79-anyos na lola para kumuha ng mga tulya sa ilog malapit sa kanilang bahay.

Ayon sa pulisya, sa hindi inaasahang pangyayari, nagkahiwalay ang maglola at ‘di namalayang nalulunod na ang apo nito.

Ayon sa salaysay ng lola, humingi pa daw ng tulong sa kanya ang biktima at sinubukang isalba ang biktima ngunit ito ay tuluyan nang nalunod.

Samantala, pinayuhan naman ng pulisya ang publiko para hindi na maulit ang nangyari, huwag hayaan ang mga batang sumama sa mga lugar tulad ng ilog na may malalalim na parte.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy