Una sa Balita

‘Di nababayarang motor puwedeng ipahatak

0 405

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po Attorney.

Ako po ay may kinuhang motor noong 2017, three years to pay.

Okay naman po ‘yung two years na ­pagbabayad ko. Pero nang sumunod na mga buwan ay nahirapan na ako magbayad hanggang sa tinawag nila ako na delinquent na daw at pinababayaran nila ‘yung balance ko na P35,000.

Kung hindi ko raw kayang bayaran ay i-surrender ko na ang motor.

Tanong ko lang ­Attorney, may ­karapatan ba ako na ­ipa-reconstruct at ipagpatuloy ko ‘yung monthly payment hanggang mabayaran ko ‘yung balance na P35,000?

Thank you more ­power po!
Joel

Dear Mr. Joel,

Hindi ko masasabi na karapatan mo ba ­humiling ng reconstruction of loan pero maaari kang makiusap dahil hindi naman nila gusto na makuha ang motor kundi ang bayad mo. Ang may karapatan sa ngayon na hatakin ang motor na hindi bayad ng buo ay ang nagbenta sa iyo o ang bangko na nagpautang sa iyo.

Tandaan mo na ang isang motor or vehicle na hindi nabayaran ay maaaring ipahatak sa pamamagitan ng pagsampa ng kasong replevin.

Sabihin mo na kaunti na lamang ang balanse kaya’t baka puwede mong bayaran na may dagdag na rasonableng interes para matapos mong mabayaran ang natitira pa.

***

Kung may katanungan ka pa ay tumawag sa 8922-0245 o 8514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More