Una sa Balita

‘Di na mabayaran ang hulog sa motorsiklo

0 436

Dear Atty. Claire,
Good Day po Atty. Claire, gusto ko lang po sanang itanong kung makukulong ang asawa ko dahil sa ‘di pagbabayad ng motor dahil ayaw pong ba­takin ng pinagkuha­nan po namin kung kaya’t tumagal po ng tatlong buwan sa amin ang motor.

Ngayun po nagbigay sila ng demanda tungkol sa ‘di pagbabayad ng motor ganun pong nung una pa lang na ‘di kami nakabayad ay inabisuhan na namin sila na kung maari na lang kuhanin ang motor sapagkat ‘di na maka­yanang bayaran dahil sa laki ng hulog ngayon po gusto nilang kasuhan ng estafa ang asawa ko, may laban po ba kami don?

Gusto po nilang bayaran ng asawa ko ‘yung mga buwan na ‘di nahulugan at ayaw po nilang pumayag na batakin na lang ang motor, sana po masagot niyo ang katanungan kong ito, pasensya na po sa abala salamat po sa pagbasa.
More power po sa inyo,

Jemilyn

Related Posts

Ms. Jemilyn,
Una mong ipagawa sa asawa mo ay ipunin lamang niya ang lahat ng ebidensya tulad ng texts, email o anumang klase ng komunikasyon na nagpapatunay na nais na ninyong isauli ang motor upang magamit na ebidensya kung sakali mang magsasampa sila ng kaso na Replevin at Collection of Sum of Money.

Ang ebidensya na ito ay dapat din na magpatunay na hindi ginagamit ang motor sa mga araw na nais na ninyong isa­uli ito. Unang-una ay bakit kailangan ninyo pang hintayin na batakin ito? Bakit hindi kayo ang pumunta na lang upang i-deliver at isauli ang motor sa nagbenta?

Dahil sa hindi pagbabayad ng asawa mo sa utang sa motor ay maaaring makasuhan lamang ang asawa mo ng Collection of Sum of Money na may kasamang prayer for Replevin upang mahatak ang motor. Kung kulang pa ang nakuha nilang bayad kahit nailit o napasubasta na ang motor ay maaari pa rin kayong pagbayarin ng mga kulang sa kabuuang utang, interest at pe­nalty kung mayroon mang independent o panibagong kaso dahil ang motor ay nagsilbing security lamang o panggarantiya na mababayaran ang utang at hindi ito mismo ang pambayad sa lahat ng naging kakulangan ninyo.

Kung may kasamang tseke na ginamit ang asawa mo para pambayad dito at ito ay tumalbog ay maaari na siyang kasuhan ng criminal case na Estafa o Violation of BP 22 at iyon ay maaaring may kulong na. Kung wala naman tseke, credit card na ginamit upang pambayad ay maaari lamang na civil case for collection of sum of money with Replevin at ito ay walang kulong.
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 5142143 o 922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy