Una sa Balita

‘Di na ma-reach: Loisa titira na sa mansion

By
0 1,009

Konting kayod na lang at matatapos na! ‘Yan ang magandang balita na hatid ni Loisa ­Andalio sa kanyang social media account.

Yes! May ipinatatayong bahay si Loisa na kung titingnan mo sa labas ay parang nasa tatlong palapag ang bahay. Siyempre naman, halos lahat ng tao ay ‘yan ang pangarap, ang makapagpatayo ng sariling bahay.

Inspirado nga ang mga kabataan kay Loisa ­dahil sa murang edad pa lamang ay na-achieve na ng aktres na makapagpatayo ng sariling tirahan.

“Trabaho pa loisa, para matapos na,” caption ni Loisa.

“After 20 years na nakikitira lang kami, natupad din yung pangarap ko magkaroon kami ng ­sariling bahay, yung matatawag namin na bahay talaga ­namin. Thank you Lord!” saad pa ni Loisa.

Ang ibang fan ay emosyonal nang mabasa ang naturang post ni Loisa dahil pangarap rin daw nila ang makapagpatayo ng sariling bahay.

Proud din kay Loisa si Vice Ganda, pero payo nga ni Vice na huwag pabayaan ang sarili sa katatrabaho at bigyan daw ng oras ang sarili. Marami pang kapwa artista ang proud kay Loisa tulad nina Daniel Matsunaga, Vina Morales at Angel Locsin.

Well, sino ba naman ang hindi matutuwa sa ganitong achievement? Pak na pak naman talaga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy