Una sa Balita

‘Di makahinga, puno ng pantal Tom Rodriguez naospital sa US

0 380

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyIsinugod sa ospital sa Houston si Tom Rodriguez matapos itong makaramdam ng paninikip ng paghinga at pamamantal sa buong katawan kamakailan lang.

Tinamaan ng allergy ang Kapuso star na sa pagkakatanda niya ay dulot ng pagkain niya ng pineapple sa Walmart isang gabi bago siya natulog.

Dahil dito, nabigo si Tom na panoorin ang basketball game ng paborito niyang Rocket team, dahil mas kailangan niyang magpagaling sa allergy.

Makikita sa post ni Tom ang admission ticket niya sa ospital at ang ticket patungong Phoenix para bisitahin ang kanyang mga magulang, kapatid at iba pang family members.

Kasunod ng naunang larawan ang iba pang photos ng pagkaka-hospitalize nito at close up shot ng pantal nito sa braso.

Nakasaad sa caption ng posts ang naramdaman niya bago siya nagpatawag ng medics. Buti na lang, uminom na ng antihistamine ang aktor para sa maagap na first aid.

Okey na ang kondis­yon nito. Habang sinusulat ang item na ito, posibleng nasa piling na ito ng kanyang pamilya sa Phoenix.

Claudine bumira ulit kina Marjorie, Julia

Ipinalagay ng netizen na ang bagong posts ni Claudine Barretto tungkol sa “pain” ay patama sa kanyang nakatatandang kapatid na si Marjorie Barretto.

Matalinhaga ang poem na nakaposte sa Instagram wall ng aktres na nagpapahayag ng kanyang lungkot sa pagkadismaya sa mga naibigan nitong pagmamahal, tiwala, oras at iba pa.

“Nothing that you could give me back. I told you that I was pain. And when you asked me why, I told you that you took so much from me. I gave you love. I gave you Time. I gave believe in you. But you turned out to be the biggest disappointment of my life. You asked me what you owed me, and I told you.

“Nothing that you could give me back.”

Hindi self-composed ni Claudine ang tula dahil ayon sa isang follower ni Claudine, kuha ito sa isang libro na may pamagat na “Nectar of Pain” na siya ring caption ng aktres sa post.

Pero dahil may isyu sa pagitan nina Claudine at ni Marjorie, at nagparamdam ang una sa kanyang post na tumututol na siya sa diumano’y panggagamit sa kanya ng isang tao, ipinapalagay ng netizen na ang pinatatamaan nito ay ang huli at ang pamangkin nitong si Julia.

Lalong tumindi ang hinala ng mga follower ng aktres nang mag-comment si Gretchen sa post.

@gretchenbarretto, “I feel you, my baby, come to me & let me give you a tight embrace. All will be well.”

Magkakampi ngayon sina Gretchen at Claudine. Matindi ang mga pahaging ni Gretchen sa social media na kumukontra kay Marjorie.

Kylie super bundat na

Malaki na ang tiyan sa ikalawang pregnancy niya si Kylie Padilla.

Nakaposte sa Instagram wall ni Kylie ang sample shots ng pictorial ng kanyang pagbubuntis kasama ang anak at ang asawa nitong si Aljur Abrenica.

Makikita sa photo na hinahalikan ng panganay ng mag-asawa na si Alas ang tiyan ng kanyang mommy.

Sa caption, ibinahagi ni Kylie ang excitement niyang ma­nganak at makita na ang kanyang baby son.

Sa photo shot ng kanyang anak, sinabi ni Kylie sa caption ang mabilis na paglaki ng kanyang panganay sa edad nitong dalawang taong gulang.

Inaasahan nito ang pagiging mabait at mapagmahal na “Kuya” ng kanyang panganay sa magi­ging baby brother nito.

Catriona nalungkot saunti-unting pagkaubos ng mga rhino

Ang pagbisita sa South Africa ang itinuturing ni Cat­riona Gray na isa sa mga memorable experience niya bilang bahagi ng kanyang pagiging Miss Universe.

Nagkaroon ng pagkakataon si Catriona na maranasan ang Safari adventure at makita nang malapitan ang mga animals na itinutu­ring niyang blessings from God, at endangered na rin.

Sa mga caption ng mga lara­wan ni Catriona, ramdam ng netizen ang awa niya sa mga animals na malapit nang maubos dahil sa poaching, gaya ng mga rhinos.

Nagpasalamat din ang Pinay Pride beauty queen sa Diyos nang makita niya ang isang pamilya ng mga lion na dumaan sa kanilang sasakyan.

Inspiring para kay Catriona ang experience niya sa Safari, na siyang nagpa-realize sa kanyang dapat ipabahagi sa buong mundo na alagaan at pagmalasakitan ang mga wild animals.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy