Una sa Balita

Di maka-overtake, driver ng SUV namaril ng rider

By
0 813

SUGATAN at ginagamot pa sa ospital ang isang motorcycle rider matapos na barilin ng isang lalaking nagmamaneho ng SUV dahil sa trapik sa Barangay Darasa, Tanauan City, Batangas kamakalawa nang hapon.

Batay sa report ng Tanauan City police, dakong alas-kuwatro nang hapon, sakay ang biktimang si Manuel Tan ng kanyang motorsiklo ng buhat sa likuran ay binaril ito ng hindi nakilalang suspek na sakay ng isang Toyota Fortuner.

Batay sa imbestigasyon, nagalit umano ang suspek nang hindi ito maka-overtake sa motorsiklo dahil sa masikip na daan sa highway patungo sa bayan ng Malvar.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril na ngayon ay pinaghahanap na ng mga pulis.