Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Di lang pres! Robredo bet maging gov, cong o mayor

0 63

Aminado si Vice President Leni Robredo na mas nahuhumaling siya na tumakbo bilang local public official sa 2022 national elections.

Sa kanyang radio show, nilinaw ni Robredo na noon pa lang ay sinasabi niyang bukas siya sa pagtakbo sa kahit anong posisyon sa 2022.

“Mula last year, sinabi ko na open ako sa lahat ng options. At ano ‘yong options na ‘yon? Tumakbo ako ng pangulo, governor, congressman, mayor. Or hindi na ako tumakbo at all – ‘yon ang gusto ng mga anak ko,” ayon kay Robredo.

Ngunit pinaliwanag nito na dahil mas gusto niyang mapalapit sa mga komunidad ay ‘mas attractive’ sa kanya ang pagtakbo bilang local official.

“‘Di ko nga alam kung kakandidato pa ako. Mas attractive sa akin ang local. Ang hinahanap ko kasi ‘yong engagement sa ground. Ever since, ang trabaho ko, sa communities,” aniya pa.

“Despite that, naiintindihan ko may responsibilities ako. Kaya nga, hindi pa ako sarado na hindi ako magkakandidatong presidente.”

Matatandaan na sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na balak tumakbo ni Robredo bilang governor ng Camarines Sur, kaya’t nagprisenta na principal candidate ang ex-senator ng 1Sambayan.

Paliwanag naman ni Robredo, wala pa siyang pinal na desisyon, at pinasinungalingan din ang mga ugong-ugong na nagpalipat na siya ng voters registration. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.