Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Di ko kayang iwan siya’ : Matteo ‘TAKUSA’ kay Sarah

0 107

Sobrang clingy pa rin hanggang ngayon si Matteo Guidicelli sa asawang si Sarah Geronimo. Umamin nga ang aktor na hindi pa raw niya kayang iwanan sa bahay nila ang kanyang misis.

“Medyo challenging… I can’t leave my wife. I don’t know, when we’re all vaccinated and things are safer,” nakangiting sagot ni Matteo nang tanungin siya ni Bianca Gonzalez sa “Cinema News” ng Cinema One kung ano ang magpapa-‘oo’ sa kanya para sumabak sa lock-in bubble o mag-taping na kasama ang ibang artista na kadalasan ay umaabot ng isang buwan.

Napasarap nga ang kuwentuhan nina Matteo at Bianca tungkol sa buhay mag-asawa ng aktor, kung saan inamin din niyang nag-“intensify” ang pagmamahal niya kay Sarah na lagpas isang taon na niyang nakakatabing gumising sa umaga.

Kaaliw nga ang tanong kung natutulog ba sila ni Sarah na magkagalit?

“We have to fix it before we go to bed kasi pangit ‘yung may galit. Before we sleep, we try to fix it. Kung hindi maaayos, eh ‘di when we wake up, bagong araw na ‘yun, smiling na,” nakangiting sabi ni Matteo.

Nirerespeto rin daw ni Matteo ang tinaguriang “bullied husbands club” nina Nico Bolzico na recently ay winelcome siya bilang pinakabagong miyembro nito.

“Ang masasabi ko lang they call themselves bullied. Ako, I respect that. Our wives are always correct. And I just say yes all the time,” sagot ni Matteo habang naka-smile.

Nang tanungin naman siya ni Bianca kung balak ba nilang magdagdag ng pets sa bahay, ang pabirong sagot ng singer-actor ay, “Another human being is nice, please,” sabi ni Matteo habang nakangiti pa rin. “No, in the future. Four dogs muna.”

Pero handa na nga ba silang magkaroon ng baby number one?

“It will be a blessing just to have one, right? So hopefully in the right time it will happen. If one, two, three, four, five, six,” sabi ni Matteo habang natatawa. “I’m joking.”

Isang fan din ang nagtanong kung matutupad kaya ang pangarap nilang dream movie with Matteo at Sarah. Sa ngayon, wala pa rin itong kasiguruhan ayon kay Matteo.

“Sa totoo lang, hindi ko pa alam eh. Obviously right now it’s hard to shoot because of the pandemic. In the future pero sa ngayon sobrang focused kami sa family.”

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.