Una sa Balita

‘Di kasi ka-level nina Marian, Angel, Regine: Mariel Rodriguez binalewala ni Sharon Cuneta

0 1,088

Tila naitsa-puwera ni Sharon Cuneta ang asawa ng kaibigan niyang si Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla sa binuo niyang Justice League ng mga kapwa niya aktres na gumanap na mga heroine sa pelikula at telebisyon.

Sa kanyang Instagram, pinagsama-sama ni Sharon sina Angel Locsin, Marian Rivera, Regine Velasquez at Judy Ann Santos na parang Justice League ng Hollywood.

Layunin ni Sharon na pagsamahin ang mga kaibigang gumanap na mga super heroine partikular na ang mga nagbida sa Darna.

Nangunguna sa kanyang post si Angel Locsin na sinasamba ngayon ng madlang Pinoy dahil sa walang kapagurang kabaniyahan nito sa kanyang UniTent project.

Sa kanyang magkakasunod na mga post sa Instagram nalantad na pati si Regine Velasquez ay kabahagi rin nilang mga celebrity na tumutulong sa mga medical frontliner at sa mga mahihirap.

Si Regine ay gumanap na Darna sa isang pelikula, pero short lang ang participation niya.

Kasama rin si Marian Rivera na gumanap naman ng Darna sa serye nito sa GMA-7, at nagpakain ng daan-daang frontliners na sya mismo ang nagluto.

Bagamat hindi Darna, isinama na rin ni Sharon si Judy Ann Santos na naging bida sa serye na “Krystala”, na magkasunod na nagpakain sa mga frontliner, gumawa ng face shield para ipamahagi sa mga ospital.

Kahit hindi gumanap na super heroine, binanggit din ni Sharon si Sarah Geronimo-Guidicelli na ayon sa kanya ay tahimik na nag-ambag ng kanyang donasyon sa mga frontliner at mga kapus-palad.

Dapat isinama ni Sharon si Mariel na kahit hindi nag-Darna ay gumanap sa isang heroine character na nilikha ni Mars Ravelo sa Komiks, ang “Varga”. Maituturing ding buhay na heroine Mariel dahil walang sawang pagbibigay nito ng mga pagkain sa mga frontliner.

Makikita sa post ng “It’s Showtime” host na halos araw-araw kung mag-prepare ito ng daang-daang home cooked meals.

Si Mariel ay gumanap na “Varga” noong 2008, sa anthology series ng Kapamilya network na “Komiks Presents” sa episode na “Mars Ravelo’s Varga” (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More