Una sa Balita

‘Di kami magkasundo sa sex (3)

By
0 2,266

‘Yung karelasyon ko, we’ve been living for almost 29 yrs. but still I don’t know him well. First we talk about sex. Ang age gap namin ay almost 15 yrs. noong bago kami, bata pa ko mas aggressive ako sa kanya. Pero siya moody. ‘Di kami mag kasundo sa sex.

May times na gusto niya na parang may exhibition. Minsan pinagbibigyan ko, Pero nakakapagod. In other words, ang pagkakakilala ko sa kanya ay di siya mahilig sa sex, tamad. Parang gusto siya parati…until lately nakikitaan ko siya ng mga pic ng babae na nakahubad at nakabukaka.

At itong huli, alam ko siya ang kumuha ng pic. but he’s denying it. ‘Di ko naintindihan mas gusto niya ginamit sa iba kesa sa ‘kin. And I know most of them cheap girl dahil kung matino ‘di naman papayag ng ganun. Is he a maniac? Kung alam ko lang dati pa I will not fall for this kind of guy.

Ang relasyon namin, kung ‘di ko siya na sa-sa­tisfy at ‘di niya ko mahal, siya ay ‘di naman din ganun magaling at mahilig sa kama, kaya napapagod ako talaga.

May hints ‘di ko binigyan ng priority at sa sarili ko at in-allow ko gawin niya sa ‘kin ‘yun. Before kasi walang proof panay haka-haka, ngayon unti-unting may sagot.

Iba kasi ang pinakikita niya sa ‘kin. Iba ‘yung pagkakakilala ko sa kanya. Ang tanong: May totoo ba sa pinakikita niya sakin?

–ANA

Dear Ana:
Maraming salamat sa sulat mo na inumpisahan nating i-piblish noong nakaraang Pebrero 17. Sa huling kolum natin noong nakaraang Martes, Pebrero 20, sinubukan kong sagutin ang iyong tanong: “Me totoo ba sa pinakikita niya sa akin? (iyo)?”

Ang sagot ko ay Maaaring totoo, at maaaring hindi. Yan ay dahil depende ito kung ang pinakita nya sa iyo ay hindi natural nasarili niya, pero plastik, dahil mayroon siyang gustong makuha sa iyo.

Pero maari ring totoo ang kaniyang pinakita sa iyo, Ana. Medyo masakit tanggapin, pero ang kolum na ito naman ay tinawagang Walang Bolahan, kaya hindi kita ibobola, kahit na masakit mabasa, ok? Ang isang dahilan na iba siya sa iyo at iba siya sa ibang mga babae, at dahil iba ang kaniyang tingin at reaksyon sa iyo at sa ibang mga babae.

TO BE CONTI­NUED

*** 

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes