Una sa Balita

‘Di ka pasisiil

By
0 597

Sinusuportahan ko ang mariing pagtanggi ni Acting Chief Justice Antonio Carpio sa mungkahing co-ownership ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Binigyang-diin ni Carpio na kailanman ay hindi dapat na isuko ng Pilipinas ang pag-aari nito sa West Philippine Sea.

Maging si G. Jay Batongbacal, director ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, ay ‘di rin sang-ayon sa co-ownership.

Sinabi ni Batongbacal na ayon sa Saligang Batas, ang marine resources ng bansa ay para lamang sa mga Filipino. Aniya, hindi lamang basta maaaring ipamahagi ng bansa ang natural resources nito. Ang West Phi­lippine Sea ay bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rod­rigo Duterte na bukas siya sa joint exploration ng Pilipinas at China sa naturang teritoryo.

Idinagdag pa ni Carpio na dapat na maghain lagi ng diplomatic protest ang Pilipinas sa mga nakikitang pang-aabuso ng China. “Kundi ay para mo nang isinuko ang ating kasarinlan,” paliwanag ni Carpio.

Lord, Kayo na po ang bahala!

HAYAAN MO SILA (EX BATTALION)

[Intro]

Yeah!

Yeah Yeah Yeah!

Hahahaha!

Chinese!

Province!!!

[Chorus]

Nagbiro ka na naman, sige sige magyabang…

‘Wag na lang daw pakinggan, dapat ay itawa lang

Ang problema raw Tsina hindi iniinda

Hayaan mo sila ang maghabol sa‘tin di ba?

Sabi ko naman sa’yo tayo ay niloloko,

Pagkatapos kang pakinabangan, biglang lalayo

Sana ‘wag nang uulit pa !

Sana ‘wag nang uulit pa !

[Verse 1]

Eto na naman tayo, kailan ba matututo?

China ay sakit sa ulo

Kaya ‘wag tayong paloko…

Bakit ba ang bilis na mang-angkin yan?

Pumapasok sa dagat na atin naman!

Ilang beses pa ba na kitang papayuhan?

Ayaw ko lang naman na tayo ay masaktan

Hindi kita sa dina-down down down ‘pag sumabit ka

Kase karamihan sa isla kung makuha madali

Madali lang magpabola ‘pag sila’y ngumiti..

Kaya ngayon palang mag-isip ka ‘pres (yah, yah, yah)

[Verse 2]

‘Wag kang mangangamba kung aalis na sila..

‘Wag kang mag-alala kasi marami pang bansa!

Idaan mo lang sa tawa kaysa magpakatanga

Hanggang sa masanay ka na kasi ganyan talaga sila

Baka ‘di mo alam na hindi na bilang

Sa daliri ang mga islang sasakupin nyan..

Kaya easy ka lang, ‘wag kang magpakahibang

‘Wag mong gawing mundo yung alam mo na tao lang

Alam mo yan kaya ‘wag mo nang lokohin ang sarili mo

Hayaan mo sila na maglaway, sa mga hu­ling isda..

Hanggang sa silang lahat ang bumili sa‘tin di ba?

‘Pag nagawa mo yan ay tsaka na’ko bibilib sa’yo

Repeat Chorus