Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Di dapat mabahala sa bubonic plague – Palasyo

0 399

Hindi raw dapat mag-alala ang mga Pilipino na makapasok sa Pilipinas ang bubonic plague, ang sakit na naging dahilan ng Black Death pandemic na tumama sa Europe at Asya noong mid-1300s at kumitil ng milyon-milyong katao.

Siniguro ng Malacañang na binabantayan ng mga awtoridad ang mga border ng bansa.

Naalarma ang ilang bansa matapos isang tao sa Inner Mongolia ang nakumpirmang infected ng bubonic plague habang nakikipaglaban pa ang mundo sa coronavirus pandemic.

“Sineseryoso po natin iyan, pero huwag po kayo mabahala kasi ang pagpasok naman ng mga dayuhan sa Pilipinas ay hindi pa po pinapayagan nang malawakan, case to case basis lang po,” saad ni Presidential Spokesman Harry Roque.

“So, sarado pa po ang ating mga border, bagaman pupwede pong mag-request on individual basis iyong mga may balidong dahilan para pumasok ng Pilipinas. So sarado pa po ang ating mga borders, at wala pong dapat ikabahala,” dagdag niya.

Ang bubonic plague ay isa sa deadliest bacterial infections sa kasaysayan ng mga tao. Naililipat ito sa pamamagitan ng kagat ng pulgas at ng infected na hayop. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.