Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Di ako maganda’: Jessy na-depress sa itsura niya

0 124

Dumaan sa depresyon at nahirapang tanggapin ang kanyang sarili, ang rebelasyong pinakawalan ni Jessy Mendiola sa tugon niya sa follower kung paano nito nagawang magpapapayat.

Na-impress ang nasabing follower sa pinoste ni Jessy sa Instagram ng larawan mula sa kakatapos na work out

Sabi pa ni @portraitbydengalvez, nahirapan din siyang tanggapin ang kanyang sarili. Hindi kapani-paniwala na sa ganda ni Jessy nahirapan pa itong i-appreciate ang kanyang mga katangian.

“I’ve experienced the same thing,” sagot ni Jessy sa humingi ng payo.

“Sometimes we think that loving ourselves is the hardest thing to do but in reality it shouldn’t be. It took me a long time to accept myself for who i and i’m still working on it until now. The most important thing to do is just start. That eventually everything else will follow. Minsan kailangan mo lang talagang mahalin sarili mo kahit saan ka pang estado ng buhay mo kahit pa dahan-dahan yan, kasi kapag nawala ang lahat yan lang ang meron ka. Pagmamahal sa sarili mo at pagmamahal ng Diyos sayo,” saad pa ni Jessy.

Sinagot din ni Jessy ang pagtataka ng isa pa niyang follower na si @reghschuen kung paanong hindi matanggap ng aktres ang sarili gayong halos perfect ang mga katangian nito, lalo na kanyang kagandahan.

“@reghschuen wala naman taong perfect. Sa totoo lang unless mag-aayos ako o ayusan ako,” sagot ni Jessy.

Nakakaloka ang sumunod na statement ni Jessy na hindi raw ito nagagandahan sa kanyang sarili.

Sabi pa niya: “Hindi naman talaga ako nagagandahan sa sarili ko. I guess ganon talaga pag sarili mo na, may insecurities talaga tayong lahat. Kailangan nalang natin mas pansinin yung good traits natin.”

Talaga ba? (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.