Una sa Balita

‘Di ako home wrecker – Priscilla

0 566

Nagbitaw na ng pahayag ang aktres na si Priscilla Almeda tungkol sa mga paratang ng mga tao sa kanya na siya umano ay “home wrecker” dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Jomari Yllana.

“Ang sama ng mga comments, iniisip nila home wrecker ako,” saad ng aktres.

“Hindi naman kasal si Jom at Joy,” paliwanag pa ng aktres.

Si Joy Reyes ang siyang tinutukoy ng aktres na dating live-in partner ng aktor na si Jomari noon. Mayroong dalawang anak na lalaki sina Joy at Jomari.

Sinabi rin ni Priscilla na 2018 pa nang maghiwalay sina Joy at Jomari kaya wala siyang winasak na relasyon.

“I entered the picture, wala na sila. And his responsibilities with his kids, ginagampanan niya,” dagdag pa ng aktres. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy