Una sa Balita

‘Di ahas ang kapatid ko – Yassi

0 438

Rumesbak sa mga bully:

Hindi nga nakapagpigil si Yassi Pressman sa panlalait, paninisi, pambu-bully ng mga netizen, lalo na ng mga fan ni Nadine Lustre, sa kapatid niyang si Issa Pressman.

Si Issa Pressman na noon pa man ay isinasangkot na sa problema nina James Reid at Nadine, na kesyo ahas daw ito sa relasyon ng dalawa. Na ito nga raw ang dahilan kung bakit nawasak ang relasyon ng JaDine.

May mga nagsasabi pa na tila binabastos daw nina Issa at James si Nadine mismo. Na kahit nasa vicinity lang ang aktres, may ginagawang kababalaghan sina Issa at James.

May mga photo pa nga na inilalabas ang ibang mga fan, na kesyo naglalandian ang dalawa sa likod mismo ni Nadine.

Tinawag ngang ahas si Issa, mangwawasak ng relasyon. At siyempre, bilang kapatid ay hindi nakatiis si Yassi.

Gamit ang kanyang Instagram, naglabas na nga ng mensahe ang dyowa ni Coco Martin sa “Ang Probinsyano”.

“Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo!” bungad na mensahe ni Yassi.

“Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya!” dugtong na chika pa nito.

Ipinost nga ni Yassi ang photo nila ni Nadine na magkasama at nagkakatuwaan.

“This was me and Nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements.

“Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then…. they started getting out of hand, at di na yun tama.

“Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay.

“Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media.

“They’re not always the truth.

“Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information. #thinkbeforeyouclick,” ang patuloy na saad pa ni Yassi, na bagama’t malinaw ang pagtatanggol, tila may kahalong banta rin sa mga tao na patuloy na idinadamay ang kanyang kapatid sa problema ng JaDine.

“We’re all okay. Sana po kayo din,” say pa ni Yassi.

Base sa Instagram story ni Issa, kasalukuyan siyang nasa Amsterdam, at makikita nga kung gaano siya kasaya na kasama ang mga kaibigan niya.

Puring-puri rin ng marami ang fashion sense ni Issa, na kahit iba ang style ng hair niya, lutang pa rin ang maganda niyang mukha, at bonggang pananamit.

Siyempre, nagbigay ng suporta ang mga kaibigan ni Yassi, at isa na nga roon si Iza Calzado na dinadamay din dahil sa katangahan ng iba.

“AMEN!!! Love you both and Issa too,” sabi ni Iza.

May mga nagpayo naman kay Yassi na ipatawag sa barangay ang mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanyang kapatid.

Pero siyempre, bilang si Alyana, sa “Ang Probinsyano”, na kung saan ay barangay chairman nga ang role niya, at misis ni Cardo Dalisay.

“Alyana ipatawag mo sa brgy mga nag kakalat ng fake news haha.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More