Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DHSUD kakalusin mga scammer sa pabahay

0 150

Pinalakas ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang kampanya nito laban sa mga iligal na aktibidad kaugnay ng real estate property at iba pang housing project.

SM food to go Banner Ad

Ito’y matapos lagdaan ni DHSUD Secretary Eduardo del Rosario ang Special Order No. 2021-002 na bubuo ng isang Technical Working Group (TWG) para sa kampanya ng kagawaran laban sa mga real estate scammer.

Inatasan ang TWG na muling pag-aralan ang mga batas at regulasyon laban sa mga iligal na real estate activity sa bansa. Susuriin din nito ang mga hindi lisensiyadong developer at iba pang pekeng broker o group na nag-o-operate kahit walang mga ligal na dokumento. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.