Una sa Balita

DH ayaw pagamitin ng aircon sa HK

By
0 4

HONG KONG, China — Inalmahan at tinawag na ‘inhuman’ ng rights group ang panawagan ng isang pulitiko na huwag pagamitin ng air-conditioning ang mga Hong Kong domestic maids sa kabila ng sobrang init na nararanasan sa nasabing lugar, na dapat umanong masanay ang mga ito sa mainit na panahon tulad sa kanilang nararanasan mula sa bansang kanilang pinanggalingan.

Ang southern Chinese city ay tirahan ng mahigit sa 340,000 migrant domestic workers na karamihan ay mula sa Pilipinas at Indonesia, kaya tumaas ang pagkabahala sa kanilang kapakanan matapos ang nangyaring ilang kontrobersyal na kaso ng pang-aabuso.

Sa ilalim ng batas, ang mga kasambahay ay nire-require na manirahan kasama ang kanilang mga employers kaya hindi sila naliligtas sa mga pang-aabuso.

Isa sa Facebook post ng employer ang nag-viral ngayong linggo matapos itong magpahayag ng kanyang galit sa ginawang pagbubukas ng kanyang maid ng air-conditioning sa kuwarto nito sa gabi na walang permiso, dahil sa naramdamang sobrang init na umabot ng 86 degrees Fahrenheit.

“I’m very angry,” ayon sa babae na kinilala lamang na si ‘Wong’ – ayon sa screenshot ng kanyang binura nang post na para sa kagrupo nitong mga Hong Kong employers ng mga dayuhang helpers, ayon sa lumabas na ulat sa isang lokal na pahayagan.

Inilarawan ni ‘Wong’ ang kanyang katulong na “audacious to the extreme”, at sinabi na tatanggalin na nito ang switch ng air-conditioner.

Bagama’t marami ang bumatikos sa kanya, marami din ang nagpahayag ng pagsuporta dito.

Sa isang radio interview, sinabi ng pulitiko na si Michael Lee na pinuno ng isang grupo ng mga employers ng mga maids, na ang mga helpers ay dapat na masanay sa panahon dahil sila ay galing sa mga mainit na bansa at nanawagan ito sa mga employers na magpatupad ng mahigpit na house rules.

“If they come from the hot country, they should get used to the hot weather,” ani Lee.