Una sa Balita

DFA umangal din sa biglang sulpot ng UN Rapporteur

By
0 3

Inalmahan din ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang biglang sulpot ng UN Rapporteur sa bansa na wala man lang abiso sa kanila o sa Palasyo ng Malacañang.

Kinuwestiyon ni DFA spokesperson Robespierre Bolivar ang motibo at sinseridad ng pagbisita ni United Nations Rapporteur Agnes Callamard sa Pilipinas na itinaon sa Universal Periodic Review (UPR) ng bansa sa Geneva, Switzerland.

Ayon kay Bolivar, hiniling pa umano ng Philippine team na pinangungunahan nina Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra at Senador Alan Peter Cayetano na magkaroon sila ng meeting kay Callamard sa sidelines ng UPR.

Ang bansa ay sasailalim sa UPR review sa mga susunod na araw at ang mga human rights officials ay nasa Geneva na sa ngayon upang magong resource person sa pagpupulong.

Wala na umanong tiyansa na makipagkita ang delegasyon ng bansa kay Callamard dahil nandito na ito sa Pilipinas.

Dating inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Callamard na bumisita sa bansa noong 2016para mag-imbestiga sa umano’y mga insidente ng extrajudicial killings, subalit tinanggihan ito.

Sinabi ng DFA na kuwestiyonable ang timing ng pagbisita ni Callamard sa bansa gayong nasa Geneva ang delegasyon para sa ikatlong UPR.