Una sa Balita

DFA Passport on Wheels susugod sa Caloocan City

0 183

MAGTUTUNGO sa Caloocan City ang ‘Passport on Wheels’ ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga aplikante na kukuha ng pasaporte.

Ito ang tiniyak ni Mayor Oca Malapitan na halos taon-taon nang proyekto ng city government.

Payo ng alkalde sa mga aplikante, isumite ang kanilang application form at iba pang requirement (original at photocopy) sa tanggapan ni Caloocan City Civil Registrar, DFA-LGU Coordinator Luchi M. Flores sa CRD-New Caloocan City Hall at CRD-North City Hall.

Sisimulan sa Martes (Oktubre 15, 2019) hanggang Oktubre 25, 2019 ang pagkuha ng pasaporte o maaaring mas maaga kung maabot na ang 1,500 aplikante na itinakda ng DFA.

Dapat daw ay mayroong aktibong e-mail address na gagamitin sa pag-a-apply ang sinumang kukuha ng passport.

Maaari namang bisitahin ang website ng DFA para sa mga kailangang isumiteng requirement sa CRD office.

Samantala, dapat dalhin sa Nobyembre 6, 2019 sa Bulwagang Katipunan, New City Hall ang lahat ng requirements/ID, kasama ang e-receipt ng application fee na P1,200 na binayaran ng mga aplikante sa mga accre­dited payment center para sa final evaluation, interview at data capture.

Tanging ang delivery fee ng mga pasaporte na P150 ang tatanggapin ng DFA personnel sa kaparehong araw.

Pagtitiyak ni Mayor Malapitan, walang tatanggaping bayad ang Office of the Civil Registrar.

Ang ‘Passport on Wheels’ ay joint project ng DFA at ng local government unit upang hindi na mahirapan ang mga aplikante na kumuha at mag-renew ng passport. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy