Una sa Balita

DFA, OWWA Rescue Office bubuksan sa Palayan City

0 461

NAKATAKDANG buksan sa Marso ang satellite office ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Admi­nistration (OWWA) Rescue Office sa Palayan City, Nueva Ecija.

Ayon kay Palayan City

Mayor Rianne Cuevas, nakipag-ugnayan siya sa DFA at OWWA para maglagay ng satellite office sa kanyang probinsya upang hindi na mahirapan ang kanyang mga kababayan na OFW sa pagkuha at pag-renew ng kanilang pasaporte.

Sinabi ng alkalde, maging ang mga OFW sa Aurora Province at iba pang kalapit na lugar ay maaari nang kumuha ng kanilang passport sa Palayan City at hindi na kailangan pang lumuwas ng Metro Manila sa oras na mabuksan ang mga nabanggit na opisina.

Maging ang seaman’s book at iba pang requirement ay maaari nang kunin sa Palayan City ‘One Stop Business Hub’ sa oras na maging ‘full operation’ na ito.

Maglalagay rin ng Department of Trade and Industry satellite office, maging ang ‘Go Negosyo’ para sa maaaring pagkakakitaan ng mga ito habang nasa abroad ang kanilang kaanak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More