Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DFA, OWWA kinalampag ng 4 Pinoy survivor

0 49

Umapela sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Filipino Workers Welfare Administration (OWWA) ang apat na Pinoy na nakaligtas sa banggaan ng barko sa Pacific Ocean para mapabilis ang proseso ng kanilang pag-uwi sa Pilipinas mula sa Taiwan.

Ayon sa survivor na si Jovencio Mariano, patuloy silang natetengga sa Taiwan dahil wala silang nailigtas sa kanilang mga dokumento tulad ng passport at libro ng seaman nang lumubog ang sinasakyan nilang Korean Reefer Ship Momyo matapos itong mabangga ng Taiwanese vessel na Viva Fafa niting Hunyo 8.

Inamin din niya na tanging ang kompanya lang nila ang tumutulong at wala pang nakikipag-ugnayan sa kanila sa mga ahensiya ng gobyerno sa Pilipinas para sa kanilang kalagayan.

Kabilang si Mariano sa 31 pasahero ng Korean Reefer na tinamaan ng Taiwanese vessel sa Pacific Ocean sa pagitan ng Papua New Guinea at Solomon Island. Aniya, ligtas naman silang 31 kabilang ang crew mula sa Indonesia, Korea, Vietnam at Ghania.

Samantala, sinabi ni Owwa administrator Hans Cacdac na hinihintay na lang nila na matapos ng mga Pinoy ang kanilang quarantine sa Taiwan bago sila tutulungan na makabalik sa Pilipinas. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.