DFA natuwa pagbisita ni Trump

By

Ikinagalak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pahayag ng Estados Unidos na bibisita sa bansa si US President Donald Trump para dumalo sa ASEAN Summit na isasagawa sa Nobyembre.

“We welcome the announcement made by US Vice President Mike Pence that US President Donald Trump will participate in the East Asia Summit and the ASEAN-US Leaders’ Summit to be hosted by the Philippines in November,” ayon sa kalatas ng DFA.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaking tulong ang pagbisita sa Pilipinas ni Trump.

Sinabi ni Ambassador Marciano Paynor Jr., director-general for operations ng ASEAN 2017 National Organizing Committee, na nagpahayag si Trump na lalahok ito sa ASEAN.

Magugunitang inanunsiyo ni U.S. Vice President Mike Pence na bibiyahe ng Pilipinas sa buwan ng Nobyembre si Trump habang ito ay nasa Jakarta, Indonesia.

SHARE