Una sa Balita

DFA nakatutok sa mga nasawi sa Paris fire

By
0 347

Inaalam pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may Pilipino na nasawi sa nasunog na apartment sa Paris, France noong Martes, Pebrero 5.

Sampung katao ang namatay at higit 28 ang sugatan nang lumagablab ang apartment sa isang distrito sa Paris kung saan mara­ming Pinoy ang naninirahan.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Ambassador to France Ma. Theresa Lazaro sa pamilya ng mga nasawi sa sunog.

Nagpahayag din ito na sana’y walang Pilipinong nadamay sa sunog. Isang 40-anyos na babaeng residente ng apartment at sinasabing may diperensiya sa pag-iisip, ang inaresto ng pulisya dahil sa ulat na ito ang nagpasimula ng sunog.