Una sa Balita

DFA nagpaalala sa mga Pinoy na patungong SoKor

0 244

BILANG pag-iingat kontra sa African swine fever, binalaan kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy na bibiyahe ng South Korea na huwag magdadala ng raw at processed animal product na mariing ipinagbabawal ng naturang bansa.

Sinabi ng DFA bawal magdala o magpasok sa South Korea ng raw meat at processed meat, canned meat, itlog, mga poultry product tulad ng gatas, mga dairy product, at mga pet food.

Sa ilalim ng South Korea’s Contagious Animal Diseases Prevention Act, sabi ng DFA, nabatid na ang pag-ban sa naturang mga produkto ay upang maiwasan ang pagkalat ng highly-infectious diseases, tulad ng African swine fever, foot at mouth disease at highly pathogenic avian influenza.
Ang mahuhuli aniyang violator­ ay papatawan ng multang KRW 10,000,000 o P428,571.

Ang hindi aniya makakabayad sa naturang multa ay hindi bibigyan ng visa extension at hindi ito papasukin ng South Korea.

Ang lahat aniyang mahuhulihan ng mga produktong ipinagbaba­wal ay isasailalim sa quarantine office.

Ipinatupad ng South Korea ang naturang kautusan nitong buwan ng Hunyo nang taong kasalukuyan.

“All Filipinos entering South Korea as visitors, workers, or residents are advised to refrain from bringing restricted items in their hand carried or checked-in luggage. All hand-carried and checked-in luggage of passengers are subjected to security screening at the airport terminals”, ayon sa DFA. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy