Una sa Balita

DFA nagbukas ng libu-libong appointment slots para sa passport application at renewal

By
0 260

Libu-libong mga appointment slot ang maaari nang makuha ng mga nais mag-renew o mag-apply ng kanilang mga pasaporte matapos magsagawa ng ilang pagbabago ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Mayroong 94,350 karagdagang slots na binuksan mula Hulyo hanggang Agosto ayon kay Assistant Secretary Frank Cimafranca ng Office of Consular Affairs, samantalang libu-libo pa ang bubuksan bukas, ika-25 ng Agosto, para sa mga appointment sa Setyembre.

Ayon kay Cimafranca, nadadagdagan ng 62,450 slots ang mga appointment na binuksan noong nakaraang buwan matapos pataasin ng DFA ang appointment quotas ng bawat consular office, samantalang ang natitirang 31,900 ay nanggaling naman sa pagtatanggal at pagsasaayos ng mga bogus appointment na gawa ng mga mapagsamantalang indibidwal.

“Ang nais natin ay ang makapagbigay ng mas mabilis at epektibong serbisyo sa mas maraming tao, kaya kinakailangan na maisaayos ang mga slot na iyon. At yun ang ginawa namin,” wika ni Cimafranca. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy