Una sa Balita

Devon, Kiko magdyowa na

By
0 254

Pinaparatangan naman ng magaling­ tumayming si Devon Seron nang out of the blue at sa gitna ng promo ng ‘Bakwit Boys’ movie nila, ay naglabasan ang mga foto niya with Kiko Estrada.

Noon, kapag tinatanong sila kung sila ba o ano, dedma o simpleng friendship lang ang me­ron sa kanila.

Then nang finally pag-usapan ang movie ni Devon, bigla itong umaming meron siyang special someone na taga-showbiz din daw.

Abante Hiring – IT dep

Tapos heto na nga. May mga social media­ fotos na kumalat showing­ her and Kiko having a good time sa isang mall. Naglalakad na magka-holding hands at meron pang nakaangkla si babae kay lalaki.

Wala namang mali, ‘di ba? Yung timing nga lang daw kasi mas dapat pag-usapan ang movie ni Devon sa mga panahong ito hahahaha!

Ay basta, labs namin si Kiko dahil kilala na­ming kengkoy, palabiro, masarap kausap at guwapo naman itong talaga.