Una sa Balita

Devanadera, suspendidong ERC commissioners sinuway ang Ombudsman

By
0 1,239

Kinastigo ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa paglabag sa direktiba ng Office of the Ombudsman kaugnay sa suspensiyon ng apat na commissioner ng ahensiya.

May kinalaman diumano ang suspensiyon ng apat na commissioner sa mga kinukuwestiyon na pitong power supply agreements ng Meralco.

“It is clear that Commissioners Gloria Victoria Yap-Taruc, Alfredo Non, Josefina Patricia Magpala-Asirit and Geronimo Sta. Ana, were found guilty of conduct prejudicial to the best interest of the service, aggravated by simple misconduct and simple neglect of duty by the Office of the Ombudsman and the said decision should be implemented immediately. They committed an offense detrimental to the public and they should be made accountable and not treated as sacred cows,” pahayag ni Zarate.

Ibinunyag ni Zarate na sa kabila aniya ng pagsuspendi sa apat na commissioner ay nakakatanggap sila ng mga ulat na patuloy ang pagsasagawa ng pagdinig ng ahensiya sa pangunguna ni ERC Chairperson Agnes Devanadera kasama ang mga suspendidong commissioners na lantaran aniyang paglabag sa kautusan ng Ombudsman.

“This clearly defiant act can place these commissioners inclu­ding Chair Devanadera, for another graft and corruption charges. We call on the Office of the Ombudsman to strictly enforce its suspension order and not allow this blatant disregard of its authority by these ERC officials,” giit ni Zarate.