Una sa Balita

Devanadera kakasuhan sa sweetheart deal

Umaming dating consultant ng Meralco-MVP

By
0 391

SINISIGURO ng isang militanteng kongresista na kanilang sasampahan ng kaso si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Agnes Devanadera kapag nagmatigas ito sa pag-apruba sa pitong power supply agreement (PSA) ng Meralco na tinaguriang sweetheart deal at maaagrabiyado ang mga consumer.

“Makabayan (grupo ng mga independent opposition congressman sa Kamara) already posed the warning of a graft charge when Devanadera assumed the post,” babala pa ni Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao.

“We will make sure to pursue the case once Devanadera maintains her position in endorsing the sweetheart deals,” dagdag pa ni Casilao.

Nakapaloob aniya sa pitong PSA ang pagtatayo ng coal-fired power plant ng mga sister company ng Meralco kabilang ang mga sumusunod:

*Redondo Peninsula Energy Inc. (225 megawatt plant)
*Atimonan One Energy Inc. (1,200MW)
*St. Raphael power Generation Corp. (400MW)
*Central Luzon Premiere Power Corp. (528MW)
*Mariveles Power Generation Corp. (528MW)
*Panay Energy Development Corp. (70MW)
*Global Luzon Energy Development Corporation (600 MW).

Inupakan ni Casilao ang ERC dahil inabot na ng ilang taon ay hindi pa rin hinahatulan at tinatabla ang hirit ng Meralco na makapagtayo ng mga coal-fired power plant na masyadong mapanganib sa kapaligiran.
“Nakakaduda talaga ‘yung delay eh. Puwede naman sana na i-calendar na nila for public bidding. It’s a possible administrative negligence,” ani Casilao.

Matatandaang dati nang inamin ni Devanadera na nagtrabaho siya bilang consultant ng utility firm na pag-aari ng negosyanteng si Manuel V. Pangilinan bago pa siya tinalaga sa ERC.

Inihayag ni Devanadera na nagsilbi siyang alkalde ng isang bayan sa Quezon at naging consultant din ng Meralco pero hindi nito sinabi kung sa anong sister company ng naturang kumpanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy