Una sa Balita

Detroit pinagpraktisan ni Giannis, Milwaukee

0 188

NAMBARAKO ng 24 points at 17 rebounds­ si Giannis Antetokounmpo­ sa loob lang ng 24 minutes, at pinulbos ng top-seeded Milwaukee Bucks ang No. 8 Detroit Pistons 121-86 sa East Game 1 Linggo ng gabi.

Tinakbuhan at dinak­dakan ng MVP candidate ang Pistons, walang maisagot dahil hindi naglaro si Blake Griffin (left knee).

Napigil lang si Antetokounmpo nang dalawang kamay na isinalya ni Detroit center Andre Drummond sa dulo ng third quarter nang hablutin ng Greek Freak ang offensive rebound habang naghahabol ng 41 ang Pistons.

Binigyan si Drummond ng flagrant foul 2 at na-eject. Nag-flying kiss pa siya sa Fiserv Forum crowd habang ineeskortan palabas ng court.

Inalat si Antetokounm­po sa foul line (5 of 12) pero 9 of 17 mula sa field, 1 for 5 sa 3-point range.

Pitong Bucks players­ pa ang umiskor ng double digits. May 16 off the bench si George Hill, 15 kay Eric Bledsoe at tig-14 sina Brook Lopez at Khris Middleton.

Nanguna ang 21 points ni Luke Kennard sa Detroit, tumapos si Drummond ng 12 points at 12 rebounds.

Sa likod ng 14 points at 10 rebounds ni Antetokounmpo at 14 points ni Lopez, umarya ng 70-43 lead ang Bucks sa halftime.

“We’re not in the class of where Milwauke is with their program right now,” pag-amin ni Pistons coach Dwane Casey.

Nasa bench na si Griffin, na-technical pa sa pagrereklamo sa ejection ni Drummond.

Game 2 sa Huwebes (araw sa Manila) sa Milwaukee. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy