Una sa Balita

Detour

By
0 427

Dahil sa kakulangan sa espasyo noong nakaraang linggo, hindi na-detalye ang mga detour para sa paksa natin na gagawing flyover sa intersection ng Bacoor-Dasmariñas Road, dating Molino-Salawag-Paliparan Road, at Daang Hari. Ang mga magiging detour habang ginagawa ang flyover ay ang mga sumusunod:

DETOUR 1 (Governor’s Drive to Aguinaldo Highway and vice versa): Galing Bacoor-Dasma Road mula Governor’s Drive papunta sa direksyon ng Aguinaldo Highway gamit ang Daang Hari, maaari kang lumiko pakaliwa sa San Miguel 1 Subdivision patungo sa Pasong Buaya, palabas muli ng Daang Hari. Magagamit din ito kung galing ng Daang Hari mula Aguinaldo Highway at patungo sa direksyon ng Governor’s Drive.

DETOUR 2 (Governor’s Drive to Alabang and vice versa): Galing Bacoor-Dasma Road mula Governor’s Drive patungo sa direksyon ng Alabang gamit ang Daang Hari, maaari ka lumiko pakanan sa Molino 4. Magkakaroon ng daan dito na puwede kayong lumabas sa dalawang bahagi ng Daang Hari – pagkalampas ng All Homes o kaya naman sa mas malayo pang labasan na mas malapit na sa Alabang. Dito rin ang daan kung galing Daang Hari mula Alabang patungo sa Bacoor-Dasma Road sa direksyon ng Governor’s Drive.

DETOUR 3 (Zapote to Alabang and vice versa): Galing Bacoor-Dasma Road mula Zapote patungo sa Alabang gamit ang Daang Hari, kaliwa sa Springville Subdivision at palabas ng Meadows sa Daang Hari. Ito rin ang daan pabalik.
DETOUR 4 (Aguinaldo Highway to Zapote or Las Piñas and vice versa): Galing Daang Hari sa direksyon ng Aguinaldo Highway papunta sa Bacoor-Dasma Road sa direksyon ng Zapote, maari kang pumasok ng Pasong Buaya palabas ng Bacoor-Dasma Road mula sa Pag-asa, at vice versa.

DETOUR 5 (Aguinaldo Highway to Cavitex and vice versa): Galing Daang Hari sa direksyon ng Aguinaldo Highway patungo ng Cavitex, maaaring pumasok sa Pasong Buaya tapos kaliwa sa Masaito Road.-Kudarat Rd. hanggang umabot ng Cavitex.

Maaari mo din gamitin ang detour na ito kung ikaw ay galing Cavitex at papunta ka ng Daang Hari sa direksyon ng Aguinaldo. Highway.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy