Una sa Balita

Detalye sa kasalang Angel-Neil nasa maleta ni Daniela

0 239

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyBusog na busog ang “Abantelli­ling” (online show namin na mapapanood sa Facebook page na Abante News Online) sa mga tsika tungkol sa mga sikat na artistang nakapanayam namin ni Dondon Sermino sa nakaraang grand launch ng sampung pelikula na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Ito nga ay pinamamahalaan ni FDCP (Film Development Council of the Philippines) chair Liza Diño-Seguerra.

Sa panayam ay lumabas ang maraming mga juicy na kuwento o details hindi lang tungkol sa kanilang mga pelikula kundi maging sa kanilang mga perso­nal life. Tulad na lang ng producer ng “I’m Ellen­ya L” na si Neil Arce, na dyowa ni Angel Locsin.

Kasagsagan nga ng Pride March (nasa Marikina Sports Complex kami that time), nabulabog ang social media sa engagement nina Neil at Angel.

Anyway, punong-puno ng buhay at saya na humarap si Neil sa “Abantelliling.” Nagpa-thank you siya sa mga nagpahayag ng kanilang kasiyahan dahil umabot sa engagement ang relas­yon nila ng “The General’s Daughter” lead star.

“I’m excited. Thank you, thank you,” sabi pa ni Neil.
Iginiit ni Neil na hindi biglaan ang proposal niya kay Angel.

“Pinag-isipan ko ‘yun nang matagal. Hindi naman ‘yun basta-basta lang… alam ko ‘yun. Thank you,” sabi pa niya.

Hindi sinagot nang diretso ni Neil ang isang tanong kung paano niya nalaman na si Angel na ang “the one.”

Tinanong muna niya ang writer kung married na, at nang sagutin siya na “hindi” at doon sinabi ni Neil na, “You’ll know when she’s the one… you’ll know.”

Tumangging magbigay ng ilang detalye si Neil sa magaganap na kasalan nila ni Angel. Biro niya sa press, para raw itong pelikula na kailangang panoorin hanggang sa dulo at hindi dapat malaman agad ang ending.

Sa iba pang mga tanong sa engagement nila ni Angel, itinuturo na lang ni Neil ang kaibigan nilang si Dimples Romana aka Daniela Mondragon sa “Kadenang Ginto” na ito ang kausapin dahil nasa loob daw ng red luggage na dala-dala nito ang lahat ng detalye tungkol sa kanila ni Angel.

Bago naumpisahan ang tanungan ng mga personal kay Neil, sinabi nitong isulat naman daw ang entry nilang “I’m Ellenya L” na pinagbibidahan nina Maris Racal at Iñigo Pascual.

MARIS, IÑIGO AYAW NANG MAGING LOVETEAM

Sa panayam naman ng “Abantelliling” kina Maris Racal at Iñigo Pascual, sa presscon ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019, nilinaw nila ang kasalukuyang estado ng kanilang samahan.

Si Maris ang bida sa pelikulang “I’m Ellenya L” at gumaganap namang bestfriend nito si Iñigo sa story. Sinabi ng dalawa na chill na lang muna sila sa relasyon, dahil marami silang gustong gawin sa buhay at career nila.

Ayaw na rin nila na mabansagang magka-love team, dahil mas gusto nilang i-explore ang iba’t ibang posibilidad sa showbiz bilang mga solo artist.

Ayon kay Iñigo, mas masaya ang kanilang samahan ngayon ni Maris, lalo at pareho silang nagsusuporta­han sa kanilang karera. Nandu’n pa rin ang concern nila para sa isa’t isa, para iangat ang isa’t isa.

Anyway, ayon sa producer na si Neil, nakikita niya si Maris na parang Jolina Magdangal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy