Una sa Balita

Destiny’s Game

By
0 445

Ika-9 na labas

Mahimbing na ang tulog ni Diwata ay mulat pa rin si Mark. Nakaunan ang babae sa braso niya. Dahil sa nangyari sa kanila ay natuklasan ni Mark na hindi na ito virgin.

Hindi naman nabawasan ang pagmamahal niya sa babae, subalit umusbong ang isang alalahanin na baka may nagmamay-ari na dito, may nobyo o ang mas higit na pangamba niya ay baka may asawa na ito.

Matapos ang mainit na gabi ay isang magandang umaga ang sinalubong ng dalawa.

“Mukhang napasarap ang tulog mo, kaya ipinagluto na kita ng almusal.” Si Diwata habang inihahain sa mesa ang sinangag at itlog.

“Masarap talaga ang tulog ko kagabi, ikaw ba?” isang pilyong tingin ang ibinato ng lalaki sa babae.

“Oo naman. Masaya ako kagabi.”

“Talaga?”

Niyakap ni Mark si Diwata mula sa likuran nito.
“Pero hindi mo pa sinasabing mahal mo rin ako?”

Tinanggal ni Diwata ang mga kamay ni Mark sa beywang niya at humarap dito. Hinawakan ang magkabilang pisngi nito at saka buong lambing na sinabi…

“Mark, mahal kita… mahal na mahal kita…”

“Pwede ko bang malaman kung kailan mo naramdaman?”

“Hindi ko alam ang eksaktong petsa, pero sa tingin ko medyo matagal na… e ikaw?”
“Kagabi lang.” biro ni Mark.

“Ganon?”

“Joke lang, hindi ko rin alam, basta ang alam ko mula nang dumating ka sa buhay ko naging masaya na’ko at siguro mula nang dumating ka sa buhay ko, minahal na kita…”

Saglit silang nagtitigan at muli ay isang masu­yong halik ang iginawad nila sa isa’t-isa.

Lumakad pa ang mga araw na puno ng pagmamahalan sa pagitan nila. Bawat minuto at bawat oras nila iyong ipinapadama sa isa’tisa. Nasa bahay man o magkasama sa kakahuyan.

ahit mga walang kwentang bagay na napag-uusapan nila ay nagkakaroon ng kabuluhan dahil bahagi ito ng binubuo nilang mga alaala.

Hapon. Mula sa bayan ay umuwi si Mark na masama ang pakiramdam. Napansin agad iyon ni Diwata. Sinalat niya ang noo at leeg ng lalaki.
“Mark, mainit ka.”

“Wala ito, pagod lang ako.”

Agad na kumuha ng buhay na tubig si Diwata. Inilagay sa planggana at kumuha ng bimpo para ipunas kay Mark.

“Dito ka na sa kuwarto magpahinga, mas komportable ka dito.”

“Salamat mahal ko.”

“Mark, pwede ba kitang iwan saglit?”

Napakunot noo ang lalaki.

“Bakit, saan ka pupunta?”

“Bibilhan kita ng gamot sa bayan.”

Related Posts

“Hindi na, bubuti rin ang pakiramdam ko, lalo at nasa tabi kita.”

Hindi na kumibo ang babae.

Pero hindi siya mapalagay lalo na nang hindi nawala ang init ng katawan ni Mark sa buong magdamag. Kaya naman kinabukasan habang tulog pa ito ay kumuha siya ng pera sa wallet nito at lumabas nang hindi nagpapaalam para bumili ng gamot sa bayan. Sigurado naman kasing hindi siya papayagan nito.

Ikinubli niya ang mukha sa suot na bandana. Habang bumibili ng gamot sa isang botika ay napatingin siya sa poster na nakadikit sa posteng malapit sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata niya. Mukha niya iyon!

Luminga si Diwata sa paligid bago palihim na kinuha ang poster at binasa ang nakasulat doon.

“MISSING, GLAIZA CABRERA, 36 YEARS OLD…”

Itiniklop niya ang poster at ibinulsa.

Nang makauwi ay galit siyang sinalubong ni Mark sa bakuran pa lang.

“Diwata! Di ba sinabi ko na sa’yo na hindi ka aalis?”

“Gusto ko lang na gumaling ka agad, eto oh, ibinili kita ng gamot.”

“Hindi ko kailangan ‘yan, ikaw lang sapat na.”

Pumasok si Diwata sa loob. Sinundan siya ni Mark.

“Diwata, kapag sinabi kong hindi ka lalabas, hindi ka lalabas. Naiintindihan mo ba’ko?”
Humarap ang babae sa lalaki.

“Bakit Mark? May itinatago ka ba sa’kin?”

“Anong sinasabi mo?”

Kinuha ni Diwata ang poster na nasa bulsa at ipinakita iyon sa lalaki.

“Eto, imposibleng hindi mo ito nakikita sa tuwing bababa ka sa bayan?”

Namula si Mark. Hindi siya agad nakakibo. Naupo si Diwata sa sofa.

“Mark, masaya ako dito, sa piling mo… ayoko na ngang malaman ang nakaraan ko eh… pero may bahagi pa rin ng puso’t isipan ko na nagnanais pa ring malaman kung sino ba talaga ako at saan ba’ko nagmula, ano bang nakaraan meron ako? Itong kakarampot na impormasyon, ipinagkait mo pa sa’kin?”

“I’m sorry Diwata… kung hindi ko agad nasabi sa’yo ang tungkol diyan… natatakot kasi akong mawala ka sa’kin…” nakayukong sabi ng lalaki.

Hindi na tumugon si Diwata. Tahimik itong pumasok ng silid.

Sa loob ng kuwarto. Lumapit sa bintana si Diwata hawak ang poster. Tumanaw siya sa labas.

“Lord, nagtatalo ang puso’t isipan ko kung handa na ba akong harapin ang katotohanan sa buong pagkatao ko… tulad ni Mark, natatakot din akong mawala siya sa’kin… sana hindi maging sagabal ang nakaraan ko sa pagmamahalan namin na ngayon pa lang umuusbong…”
Bumukas ang pinto ng kuwarto. Nilapitan ni Mark si Diwata na nanatiling nakatayo sa may bintana.

“Mahal ko… sorry na…”

Niyakap niya ang babae sa likuran. Hindi inalis ni Diwata ang yakap niya. Sa halip ay hinawakan niya ang kamay nito.

“Sorry rin… parehas lang siguro tayo ng nararamdaman… pareho tayong natatakot sa posibilidad na magkahiwalay tayo dahil sa nakaraan ko…”

“Siguro nga… pero ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari hindi mo ako iiwan…”
Humarap si Diwata sa lalaki at tumingin sa mga mata nito.

“Ikaw ang mangako sa akin Mark, na kahit ano pang nakaraan meron ako, kahit ano pang pagkatao ko, hindi mo ako iiwan.”

“Pangako mahal ko, mamahalin kita kahit sino ka pa, kahit ano pang nakaraan mo.” (Itutuloy)